By Taga Ibaan Ako
Ilang henerasyon na rin ang lumipas. Marami na rin ang mga kwento ang narinig sa bawat silid ng ating tahanan upang mahimbing na maidlip ang mga Batang Ibaan. At sa paglipas ng panahon, ang dating kabataan ng nakaraan, ngayo'y meron na ring kabataan na inaaruga at binabantayan sa silid ng tahanan. Naikwento rin kaya nila ang mga bagay na naghatid sa mahimbing na pagkakaidlip? Kasama kaya sa mga kwentong ito ang pinagmulan ng pangalan ng bawat barangay ng ating mahal na bayang Ibaan?
Sa pagkakataong ito, subukan nating pag-usapan ang mga pangalan nila ayon na rin sa ating pananaliksik. Base na rin dito, maari nating ikonsidera ang presensya ng mga bagay na hinalawan ng kanilang pangalan sa bawat barangay.
Bago
Nagmula sa isang maliit na punong-kahoy na ang dahon ay isinasama sa sinigang na isda o sa iba't ibang gulayin. Ito ay matatagpuang tumutubo sa barangay na nagtataglay ng pangalan nito.
Balanga
Buhat sa malaking banga na pinaglalagyan ng tubig na inumin ng mga magsasaka; o malaking uri ng tipaklong na tinawag na Balang na natagpuan sa dakong iyon noong unang panahon.
Bungahan
Napahiwalay sa Brgy. Coliat noong 1956 sa pagmamalasakit ni G. Aurelio Villanuev. Ang barangay na ito'y pinangalang\ang Bungahn dahil ito'y dako ng maraming punong "Bunga" at ibang punog-kahoy na nabubunga.
Calamias
Isang punong kahoy na may bungang parihaba na may sukat na 1 - 4 na pulgada ang haba, maasim at ginagamit na panuka sa mga lutuin o kaya'y minamatamis. Ang karamihan ng punong kahoy na ito ang pinagmulan ng barangay Calamias.
Catandala
Buhat sa "Katang", isang uri ng maliit na alimasag at "Dala" ng isang malaing lambat na panghuli ng isda. Ang barangay na ito ay nasa tabi ng malaking ilog.
Coliat
Buhat sa isang malaking punong kahoy na tumataas na tuwid at ginagawang haligi at sahig ng mga bahay.
Dayapan
Buhat sa isang uri ng Citrus na bilugan ang bunga at may masarap ng amoy ng Dayap.
Lapu-lapu
Bukang-bibig ng mga taga nayon ang kagitingan at katapangan ng hari o pinuno ng Mactan na syang pumatay kay Magellan at nagtaboy sa mga dayuhang Kastila. Kaya't tinawag nila ang kanilang nayon na Lapu-lapu.
Lucsuhin
Upang makarating sa barangay na ito, noong una, kailangan magpalukso-lukso sa mga bato sa pagtawid sa mga sapa upang huwag mabasa.
Mabalor
Maraming malalaki at matataas na punong kahoy sa barangay na ito ang tirahan ng malaking puting ibon na tinatawag naa "balud" o "balur". Kaya't tinawag na lugar ng balur -Mabalor.
Malainin
Sa kasipagan ng mga taong naninirahan sa barangay na ito, sa pag-aalmusal nila ay kinakain na nila ang kanin kahit na hindi pa lubusang luto o in-in, huwag lamang mahuli sa mga gawaing bukid.
Matala
Isang uri ng halaman, na ang dahon ay tinutuyo at isinasama sa tabako upang magkaroon ng mabangong amoy. Ang tinatawag na "talatalaan" ay masaganang tumutubo sa pampang ng ilog sa barangay na ito. Kaya't tinatawag na lugar ng marming Talatalaan - Matala.
Munting Tubig
Isang barangay na dinadaanan ng isang maliit na sa magkabilang gilid. Mula dito, tinawag na Munting Tubig ang nasabing barangay.
Palindan
Buhat sa salitang Palanyag o magtitinda ng iba't ibang kagamitan tulad ng gunting, suklay, salamin at iba pa. Ayon sa mga matatanda ay isang magtitinda ang hinarang at pinagnakawan sa daong ito.
Pangao
Sa barangay na ito itinatali, iginagapos o ipina-pangao ang mga tao ng mga tulisan buhat Silangang pakanluran o bahan sa kanluran pa-silangan.
Panghayaan
Buhat sa maliit na "hay" o mga bungkos ng maliliit na tangkay ng palay na ginagapos. Dumating ang pagkakataon ng ang mga magsasaka ay nagka-gulo at nagpanghaya ng kahandaan sa anumang mangyayari.
Quilo
Buhat sa matandang daan na dakong hilaga patungo sa barangay na ito na pakilo-kilo or paliko-liko.
Sabang
Isang dako na pinagtagpuan ng dalawang ilog, ang barangay na ito ang naging sentro ng kalakalan ng bayan ng Ibaan at ng kabisera ng lalawigan ng Batangas.
Salaban
Ang dakong ito ang pinagsasalaban ng mga pinatay na baboy damo na pinapatay bago dalhin sa sari-sariling bahay.
San Agustin
Inminungkahi ni Don Julian Pastor alang-alang sa orden na nakasako noong unang panahon sa parokya ng Ibaan.
Santo Nino
Tuwing tag-araw, ipinapatente sa dakong ito ang Sanot Nino at pinagdadayo ng mga tao sa karatig nayon at karatig bayan.
Sandalan
Ang dakong ito ang pahingahan ng mga taon kumukuha ng tubig sa Palindan. At ang mga bumbong ng kawayang puno ng tubig ang kanilang sinasandal sa mga sang ng kahoy kaya't tinatawag na Sandalan.
Talaibon
Maraming malalaking puno ng kahoy sa pampang ng ilog sa dakong ito na pinamahayan ng isang uri ng ibon na mapula ang balahibo at may hugis tala sa dibdib. Kaya't buhat sa Tala at Ibon, tinawag na Talaibon.
Tulay Na Patpat
Isang tulay na yari sa kawayan ang ginawa ng mga taga-baryong ito sa pinakamakitid na dako ng ilog ng Ibaan upang madaanan ng mga kariton at mga kabayong may dalang bigas at asukal.
Maaring kulang o eksaherado ang mga impormasyon na nandito ukol sa bagay na pinatutungkulan ng artikulong ito. Sa puntong iyon, bukas po tayo para sa inyon suhestyon o karagdagang impormasyon upang higit nating mabuo ang kasaysayan o pinanggalingan ng pangalan ng mga barangay ng ating bayan.

No comments:
Post a Comment